Bumaba ang bisa ng mga bakuna ng Pfizer at Moderna laban sa COVID-19 Delta variant.
Sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), mula sa 91% efficacy ay bumagsak sa 66% ang bisa ng dalawang bakuna na naitala sa panahon kung saan naging dominante ang mas nakakahawang Delta variant.
Hulyo nang maging dominant strain sa Amerika ang Delta.
Samantala, bagama’t bahagyang nabawasan, ang natitirang bisa ng Pfizer at Moderna ay patunay ng kahalagahan at benepisyo ng pagbabakuna.
Facebook Comments