
Batay sa show cause order na inilabas ng Commission on Elections o Comelec, may tatlong araw si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maharap sa election offense o kaya naman ay petition for disqualification.
Posible aniyang may nilabag ang mga pahayag ni Ilagan sa Comelec Resolution No. 11116 o Anti Discrimination and Fair Campaigning Guidelines para ngayong midterm elections.
Si Manalo ay katunggali ni dating Batangas Governor Vilma Santos-Recto na nagpaplanong makabalik sa pwesto.
Siya rin ang ikatlong kandidato na pinadalhan ng show cause order ng Comelec dahil sa posibleng paglabag sa diskriminasyon.
Una nang pinagpapaliwanag si Atty. Ian Sia ng Pasig City sa kainyang kontrobersiyal na biro tungkol sa mga single mom.
Habang may show cause order din ang poll body kay Misamis Oriental Governor Peter Unabia dahil naman sa biro nito tungkol sa nursing scholarship para sa mga magagandang babae.