Bise Alkalde ng Tinoc, Ifugao limang araw nang nawawala

152
Image via Facebook/Tinoc Municipal Police Station

Tuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad kay Vice Mayor Fernando W. Gapuz ng Tinoc, Ifugao matapos maiulat na limang araw na itong nawawala.

Sa ininsyal na imbestigasyon ng Tinoc Municipal Police Station, umalis ng tirahan si Gapuz bandang alas-7 ng umaga nitong Hulyo 19 para pumunta sa isang official business.

Ayon pa sa pulisya, sumakay ang bise-alkalde papuntang Mountain Province at bumaba sa Brgy. Abatan, Buguias, Benguet.

Huli itong namataan patungo sa direksyon ng Mangatan, batay sa CCTV na kanilang nakalap.

Hindi na rin umano makontak si Gapuz ng kanyang pamilya.

Suot ni Gapuz ang isang brown leather jacket, brown hat, brown pants at green slip-on slippers.

Sa kanilang Facebook post, nanawagan ang mga awtoridad na makipag-ugnayan sa numerong 0935-110-7168 para sa anumang detalye kaugnay sa pagwala nito.




 

 

Facebook Comments