Bise-Gobernador ng Cagayan, Positibo sa COVID-19

17

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo si Cagayan Vice Governor Melvin ‘Boy’ Vargas sa COVID-19 matapos nitong ianunsyo sa kanyang facebook post ngayong araw.

Ikinalungkot naman ng bise gobernador ang kanyang pagiging positibo sa virus subalit minabuti nyang isapubliko ang kanyang sitwasyon upang makagawa ng hakbang ang mga posibleng nakasalamuha nya gaya nalang ng mga empleyado sa kapitolyo partikular sa kanyang tanggapan at ang Sangguniang Panlalawigan Office.


Hinimok rin nito ang mga nakasalamuha nya na mag-isolate at magpasailalim sa antigen test at matukoy ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

Ayon pa sa bise gobernador, pawang asymptomatic ito at mild lamang ang kanyang nararanasan at umaasa sa mabilis na paggaling mula sa virus.

Sa kabila nito, pinapayuhan rin nya ang mga Cagayano na sundin ang ipinapatupad na health protocol.

Batay rin sa impormasyon, nagpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang dalawang (2) driver at isang abogado na tumatayo nitong consultant.




Ipinag-utos naman ang disinfection sa kanyang tanggapan at sa SP hall kung saan kadalasan ginagawa ang sesyon.

Facebook Comments