Bise Mayor ng Cauayan, Paparangalan

Bibigyang parangal ang pangalawang alkalde ng Lungsod ng Cauayan bilang isa sa mga labinpitong Outstanding Local Legislators ng bansa.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team mula sa Cauayan City Vice Mayor’s Office, gagawaran ng naturang parangal si Bise Mayor Leoncio A Dalin Jr ng Superbrands Marketing International Incorporated, isang kinikilalang global brand arbiter sa mundo.

Ang naturang pagkilala ay bilang parangal sa mga nagawa ng Bise Mayor bilang pinuno ng lehislatura ng Cauayan para sa ikabubuti ng mga Cauayeño. Igagawad ang parangal sa Alpha Land Hotel, Ayala Avenue Extension, Makati City sa ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan


Kasama sa 17 mga bise gobernador, bokal, bise mayor at konsehal na paparangalan ay isa ring taga Isabela na si Konsehal Katrina Camille B Bautista ng Santiago City.

Kaugnay nito ay lubos naman ang pasasalamat ni Bise Mayor Dalin sa mga mamamayan ng Cauayan at mga kasamahan nito sa konseho sa suportang bigay sa kanyang mga gawaing pang lehislatura sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments