Driver ng cement mixer na dumagan sa kotse sa Quezon City – nahaharap sa patong-patong na kaso

Manila, Philippines – Kasong reckless imprudence resulting in damage to property with homicide at multiple physical injuries ang isasampa laban kay Jason Muleta, driver ng cement mixer na dumagan sa kotse sa Mindanao Avenue sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nawalan ng preno ang truck kaya’t nagdesisyon ang driver na ibangga ito sa center island pero sa imbes na tumigil sumampa ito sa center island at tumagilid dahilan para mabagsakan ang putting kotse sakay ang mag-anak.

Patay sa aksidente ang driver ng kotse na si Ulysses Ramos habang sugatan ang kaniyang asawa at tatlo nilang anak.


Facebook Comments