Bishop Antonio ng Diocese of Ilagan, Ligtas sa Aksidente

17

Cauayan City, Isabela- Maswerteng walang anumang tinamong sugat si Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan matapos masangkot sa aksidente ang minamaneho nitong sasakyan dakong alas-2:00 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay PCpl. Mateo Arbie, imbestigador sa insidente, papauwi na sana sa Upi, Gamu si Antonio mula San Mateo nang biglang pumutok ang kaliwang harapang gulong ng sinasakyang pick-up at bumangga sa kasalubong na trailer truck.
Dahil sa insidente, tumaob ang sasakyan ni Bishop Antonio.
Nagkasundo naman ang dalawang panig na ipapaayos nalang ang tinamong pinsala sa kanilang mga sasakyan.
Samantala, patuloy namang oobserbahan ang kalusugan ni Antonio matapos ang aksidente.

Facebook Comments