Pamahalaan, magsasagawa ng dry run para sa rollout ng Sputnik V vaccine

76

Magsasagawa na ang pamahalaan ng dry run para sa “mini roll-out” ng Sputnik V vaccine ng Russia.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang initial 20,000 doses ng Sputnik V ay gagamitin para sa mini rollout.


Makakatulong ang dry run sa mga medical frontliners para sa maayos na storage, handling at administering ng Russian vaccine.

Hindi binanggit ni Galvez ang petsa kung kailan gagawin nag rollout ng Sputnik V.

Ang Sputnik V vaccines ay manufactured ng Gamaleya Research Institute at 91.6% na epektibo laban sa COVID-19 symptomatic infection.

Ang Russian vaccine ay nabigyan na rin ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).



Facebook Comments