Bisitahin ang Strawberry Festival sa La Trinidad!

Philippines,Baguio-Matapos ang matagumpay na parada sa Baguio City para sa Panagbenga Festival ay inilunsad na rin ng La Trinidad ang 2019 Strawberry Festival na sinabayan ng pagbubukas ng Strawberry Lane para sa publiko.

Pinangunahan nina Mayor Romeo Salda, Vice Mayor Joey Marrero, mga Konsehal at iba pang mga opisyal ng La Trinidad ang ribbon-cutting ceremony ng festival.

Kinilala naman ni Mayor Salda ang partisipasyon ng mga nagtatanim ng strawberry at ang mga baranggay para sa nasabing piesta.


Facebook Comments