Pangalan ng mga kandidatong lumabag sa panuntunan sa election materials, hindi isasapubliko ng Comelec

Hindi ibubulgar ng Comelec sa publiko ang pangalan ng mga kandidatong pinadalhan ng notice dahil sa paglabag sa panuntunan sa campaign materials.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez , bahagi ito ng due process sa mga kandidato.

Una nang nagsagawa ang Comelec ng documentation laban sa mga kandidatong lumabas sa panuntunan sa campaign materials.
Hindi naman sakop nito ang mga kandidato sa local positions dahil sa march 26 pa ang simula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato.


Facebook Comments