Manila, Philippines – Nasamsam ng mga otoridad ang halos 400 kilo ng double-dead na karne sa bahagi ng Recto Avenue sa Divisoria sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Dr. Nick Santos, hepe ng special enforcement squad ng Manila Veterinary Inspection Board, iniwan na ng mga vendor ang ibinebentang mga karne nang matunugan ang operasyon ng otoridad.
Nabatid na nakalagay ang mga karne sa ilang woven bags na pinaniniwalaang nagmula pa sa Bulacan.
Positibo ang mga otoridad na double-dead ang mga karne dahil sa maputlang kulay at ibang amoy nito kung saan maliliit ang mga baboy base sa nakitang liit ng ribs nito.
Nakatakda namang ibaon ang mga karne ng otoridad dahil hindi ito ligtas para sa tao at maging sa hayop.
Facebook Comments