NANLABAN | Drug pusher patay sa buy-bust operation sa Manila

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa lungsod ng Maynila.

Dead on the spot ang suspek na si Arbie Garcia alyas Bengkong tinatayang nasa pagitan ng 25 hanggang 30 anyos.

Ayon kay Police Superintendent Jay Dimaandal hepe ng MPD Raxabago Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa may Happyland Barangay 105 Smokey Mountain Tondo Manila.


Napag-alaman na tatlong daang pisong halaga ang binili ng isang police poseur buyer mula sa suspek pero nakaramdam ito na pulis ang kanyang katransaksyon kaya at bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Nakatakbo pa ito papaakyat sa Tenement Bldg. 4 pero agad itong nasukol ng mga operatiba habang nasa hagdanan pa lamang.

Nabatid na dati nang nakulong dahil sa robbery snatching at illegal gambling ang suspek kung saan sumuko na rin ito sa oplan tokhang pero hindi naman nakipag-ugnayan sa mga barangay.

Facebook Comments