Natuklasan ng House Committee on Legislative Franchises na pinakamataas ang singil sa Iloilo City.
Ito ang dahilan kaya nakabinbin at pinag-aaralan pa rin ng komite ang pagbibigay ng congressional franchise sa Panay Electric Company o PECO.
Nakadagdag pa dito ang isinumiteng signature campaign ng nasa 29,000 na residente na humihiling sa Kamara at Senado na tulungan sila sa kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibigay daan sa pagkakaroon ng bagong players na may kakayahang ayusin ang serbisyo.
Sa mga pagdinig ng komite, nataasan pa ng PECO ang Manila Electric Company o MERALCO sa singil sa kuryente.
Nanatiling mataas ang kuryente hanggang ngayong 2018 kung saan sa Iloilo P12.0917 per kwh ang binabayaran ng mga residente sa PECO, P10.1228 per kwh naman singil sa Davao ng Davao Light & Power Co., habang P10.219 per kwh sa mga residente ng Manila sa ilalim ng Meralco.
Bukod sa mataas na singil sa kuryente, una na ring inangal ng mga consumers at ng City Council ang overcharging ng PECO na hanggang 1000% kung saan lumantad sa Senate hearing noong October 22 ang ilang consumers na nagrereklamo sa PECO.