ILLEGAL COCKFIGHTING | Pulis na kabilang sa drug watchlist, arestado

Muntinlupa City – Nadakip ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force o CITF ang isang pulis na kabilang sa drug watchlist ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang isinagawang entrapment operation sa Purok 6, Barangay Bayangan, Muntinlupa City.

Kinilala itong si PO2 Yob Enguio na nakatalaga sa Basilan Police Provincial Office.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana, alas-10:00 ng umaga kahapon ng maaresto si PO2 Enguio.


Naaresto ito sa loob ng sabungan na nagtutupada o illegal cockfighting kasama ang limang sibilyan.

Nakuha sa pulis ang apat na manok na panabong at mahigit walong libong pisong taya.

Naaresto ito matapos na makatanggap ng reklamo ang CITF mula sa isang concerned citizen at nang ma-validate ay agad na ikinasa kahapon ang operasyon.

Sa ngayon sasampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree 455 ng Illegal Cockfighting.

Facebook Comments