BITAY | Isa na namang Pinay sa Indonesia, nasa death row dahil sa iligal na droga

Isa na namang Pilipino ang nahaharap sa parusang bitay sa Indonesia.

Sa press conference ngayong araw, sinabi ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee na isang Pinay sa Semarang, Central Java ang nasa death row matapos masangkot sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Maliban dito ay wala pang maibigay na ibang detalye ang Ambassador hinggil sa kaso.


Pero pagtitiyak ni Ambassador Wee, ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat para matulungan ang Pinay.

Gaya aniya ng sitwasyon ni Mary Jane Veloso, mahigpit nilang mino-monitor ang kaso ng Pinay sa Semarang.

Bagama’t posibleng hindi matalakay ni pangulong rodrigo duterte kay Indonesian President Joko Widodo ang tungkol sa Kaso ni Veloso sa pagbisita niya ngayong araw sa Indonesia… tiniyak din ni Wee na patuloy ang ibinibigay na legal aid ng gobyerno sa Pinay.

Nabatid na may halos 8,000 Pilipino ang nakatira at nagtatrabaho ngayon sa indonesia kung saan 300 sa kanila ay nasa bali.

Facebook Comments