Lalaki, Sugatan Matapos Bumangga sa Puno ng Mangga!

46

Cauayan City, Isabela – Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga sa puno ng mangga ang motorsiklo nito sa bahagi ng maharlika highway sa Brgy. Alinam, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si Noel Official, trentay kwatro anyos at residente ng Brgy. District 1, Cauayan City.

Batay sa impormasyon ng PNP Cauayan City, bumabaybay umano ang biktima gamit ang kanyang sasakyan sa naturang lansangan nang mag-over take sa sinusundang sasakyan at hindi nakontrol ang manibela nito na nagresulta ng pagkakabangga nito sa puno ng mangga.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang drayber habang ang kanyang sasakyan ay napinsala sa hindi pa matukoy na halaga.

Dahil dito ay patuyloy naman pinaalalahanan ng kapulisan ang lahat ng motorista na mag-ingat uapang makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments