
Sisimulan na muli ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos sa bitin na rockshed at pagkukumpuni sa bahagi ng Kennon Road na gumuho noong nakaraang taon.
Ito ang tiniyak ni Public Works Secretary Vince Dizon matapos ang kaniyang inspeksyon sa mga proyekto ng DPWH sa Baguio, Tuba at Benguet.
Ang pagsasa-ayos ay bahagi ng mas malawak na plano upang gawing isang “all-weather road” ang Kennon Road.
Ito’y para mas maging matatag at ligtas ang kalsada kahit pa sa malalakas na ulan o bagyo.
Bukod sa Kennon Road, ipinag-utos din ng ni Dizon ang pagpapalawak sa makipot na daanan patungo sa Major Mane-Kennon Road Bypass Road.
Nais kasi ng kalihim na maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa oras na mabuksan ang proyekto upang magsisilbing mas mabilis at alternatibong ruta ito para sa mga motorista at residente.










