Tuloy pa rin ngayong umaga ang biyahe ng barko patungong Iloilo mula sa NortPort Terminal dito sa Maynila.
Sa gitna ito ng binabantayang pagpasok ng malakas na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na inaasahang tatama bukas sa bahagi ng CARAGA o Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
Ilang sa mga babiyahe ay nagmula pa sa Central Luzon kung saan ipinauubaya na nila sa mga otoridad kung tuloy o papayagan pa rin ang pagbiyahe nila pauwi ng Iloilo.
Bukod dito, isa-isa na ring dumadagsa ang ilan pang pasahero na umaasang makakauwi sila ng probinsiya ilang araw bago ang pasko.
Sa ngayon, wala pa namang abiso ng suspensiyon sa biyahe ng mga barko pero tiniyak na ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakatutok sila sa sitwasyon sa Visayas at Mindanao at naka-monitor rin sila sa impormasyong magmumula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.