Palasyo, umaapela sa mas maraming volunteer kasabay ng pag-arangkada bukas ng 2nd round ng National Vaccination Day

35

Kailangan ng pamahalaan ng mas maraming volunteer para sa ikalawang round ng National Vaccination Days na magsisimula bukas, Dec15 hanggang December 17, 2021.

Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa gitna ng pitong milyong target ng pamahalaan na mabakunahan para sa Bayanihan, Bakunahan part 2.

Ayon kay Nograles, hindi na problema ngayon ang bakuna at ang kailangan aniya sa kasalukuyan ay ang mga boluntaryo lalo’t muling magkakaroon ng malawakang pagbabakuna na gagawin sa susunod na tatlong araw.


Kasama sa pinananawagan ni Nograles na magkaroon sana ng inisyatibong makapag-volunteer ang mga nakatanggap na ng bakuna.

Kasunod nito, patuloy ang apela ng Palasyo sa mga hindi pa bakunado na magtungo bukas sa alinmang vaccination sites dahil kahit walk-in ay papayagan na.

Facebook Comments