Biyahe ng Cebu Pacific sa mga karatig na bansa sa Asya, babalik na mula Agosto

Epektibo August 1, 2020, balik na ang flights ng Cebu Pacific sa mga bansa sa Asya.

Kabilang dito ang dalawang beses kada linggo na flight mula na Manila-Tokyo (Narita)-Manila kada Miyerkules at Sabado.

Mula naman August 6, bibiyahe na uli ang Cebu Pacific kada Huwebes at Sabado patungong Singapore at pabalik ng Manila.


Kada Huwebes naman ang flight ng CebuPac patungong Seoul (Incheon) pabalik ng Manila.

Miyerkules at Biyernes naman ang biyahe ng nasabing air carrier sa Taipei at pabalik ng Manila mula August 7.

Babalik na rin ang flight ng CebuPac patungong Osaka (Kansai) pabalik ng Manila mula August 7.

Nagpaalala naman ang Cebu Pacific sa mga pasahero na tiyakin na negative sila sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test bago ang kanilang departure at sila ay isasailalim sa mandatory COVID screening at mandatory 14-day quarantine sa bansa na kanilang pupuntahan.

Facebook Comments