Biyahe ng ilang airlines, kanselado na – klase sa ilang lugar, suspendido na rin dahil sa bagyong Kiko

Manila, Philippines – Kanselado na ang walo na domestic flights sa Northern Luzon ngayong araw dahil sa bagyong Kiko.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang biyahe ng PAL Express na flight 2P 2014 Manila patungong Tuguegarao at flight 2P 2015 Tuguegarao papuntang Manila.

Kanselado na rin ang anim na biyahe ng Cebu Pacific, Manila papuntang Tuguegarao at pabalik ng Manila – Manila papuntang Cauayan at pabalik.


Maging ang biyahe ng Cebu Pac papuntang Caticlan papuntang manila at pabalik ay kanselado na rin.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga apektadong pasahero sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Samantala, dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, wala nang pasok ang panghapon klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Parañaque City.

Suspendido rin ang klase mula pre-school hanggang Senior High School sa probinsya ng Cagayan.

Nilinaw naman ni Makati City Mayor Abigail Binay na may pasok ngayong araw sa lungsod, kasunod na rin ng pagkalat ng fake news na walang pasok sa Makati.

Facebook Comments