Biyahe ng isang barko sa Batangas, naantala dahil pagsabit sa angkla ng isang pampasabog

Ligtas na naalis ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pampasabog na kumapit sa angkla sa isang barko habang nasa Port of Batangas.

Ayon kay Batangas Port Station Commander Captain Geronimo Tuvilla, alas-7:55 kagabi nang makatanggap ng ulat ang Coast Guard Batangas (CGB) mula sa kapitan ng MV Ignatius of Loyola na may nakita silang kakaibang bagay na nakapatong sa kanilang kanan na angkla habang nasa pantalan ng Port of Batangas at naghihintay ng pasakay na pasahero at kargamento patungong Caticlan Port.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng CGB at kanilang Coast Guard K9 Explosive Ordnance and Disposal (EOD) at Special Operations Force para beripikahin ang insidente.


Nabatid na ang kakaibang bagay ay isang projectile 155-millimeter, high explosive ng unexploded ordinance.

Dahan-dahang isinagawa ng nasabing mga miyembro ang kanilang operasyon para ligtas na matanggal ang pampasabog at agad nila itong inilayo para maayos at ligtas ang mga kalakal at awtorisadong biyahero paalis ng Batangas Port.

Sa ngayon, hindi pa matiyak ang eksaktong pinanggalingan ng pampasabog na kasalukuang nasa pangangalaga ng PCG-EOD.

Facebook Comments