Ranked 5 drug personality ng NCRPO, arestado sa buy-bust operation sa Pasig City

Timbog ang isang lalaking tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Pasig at sa iba pang lugar ng Metro Manila.

Kinilala ang suspek na si Julius Sandoval Amoranto.

Nakuha mula sa kanya ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P68,000 at ang P300 na buy-bust money.


Ginawa ang operasyon sa kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Ave., Corner Sandoval Bridge, Barangay Maybunga, Pasig City, pasado alas-3:30 kahapon ng hapon.

Napag-alaman na ang suspek ay Ranked 5 drug personality sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Ranked 1 sa Eastern Police District (EPD)

Nakakulong na ang suspek sa EPD custodial facility at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments