Biyahe ng LRT-1, pansantalang naantala

Pansamantalang naantala amg biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit (LRT-1) ngayong umaga.

Sa abiso ng Light Rail Management Corporation (LRMC), alas-7:39 ng umaga nang ihinto ang biyahe para sa kaligtasan ng padahero mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Ito’y dahil sa nagkatoon ng problema sa Northbound ng Central Terminal kung saan bago mag-alas 8:00 ng umaga ay naayos na ito ng mga technician mg LRMC.


Dahil naman sa insidente, mas lalong humaba ang pila ng pasahero sa kada istasyon ng LRT-1 habang ang iba ay hindi maiwasan magreklamo lalo na’t araw pa naman ng Lunes at mahuhuli na sila sa trabaho kung ba-biyahe ng pampublikong sasakyan tulad ng jeepney.

Nabatid na una na rin nagpatupad ng speed restriction ang LRT-1 mula Baclaran hanggang Balintawak kaninang alas-7:21 ng umaga matapos magkaroon ng problema ang isa sa Light Rail Vehicles (LRVs) o bagon.

Humihingi naman ng pang-unawa ang LRMC sa aberya kung saan iginiit nila na para sa kaligtasan ng pasahero ang una nilang prayorodad kaya pansamantalang inihinto ang biyahe ng tren.

Facebook Comments