LALAKI SA BAYAN NG MANAOAG, ARESTADO SA IMPLEMENTASYON NG SEARCH WARRANT

Patong patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang trentay dos anyos na lalaki matapos ang matagumpay na implementasyon ng Search Warrant sa tahanan nito sa bayan ng Manaoag.
Ang suspek ay nakilalang si Mervin Talosig, residente ng brgy. Baritao sa nasabing bayan.
Isinilbi ang search warrant sa tahanan nito alas dos ng madaling araw na nag resulta sa pagkaka kumpiska ng isang improvised Caliber 22 Revolver at magazine nito, kasama na din dito ang limang sachet ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments