Binabantayan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga barkong papunta ng Visayas at Mindanao.
Ito ay kasabay ng mga pasahero pauwi sa mga probinsya sa Semana Santa.
Sa interview ng RMN Manila kay PCG Public Affairs Office Commander, Captain Armand Balilo – partikular na ang Batangas Port, maging ang Matnog Port sa Sorsogon.
Nakatuon din sila sa inter-island ferries.
Tiniyak din ni Balilo na sapat ang pinaiiral na seguridad at walang mangyayaring aberya.
Tiwala rin ang PCG sa “seaworthiness” ng mga bumibiyaheng barko lalo at dumaan na ito sa inspeksyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Sa interview din ng RMN Manila, iginiit ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio – na kailangang tiyaking nasa maayos na kundisyon ang mga runway para sa kaligtasan na rin ng mga dumaraang eroplano at mga pasahero.
Ito aniya ang dahilan ng pagkaka-antala ng ilang flights.
Binigyang diin ni Apolonio na may sinusunod na capacity ang mga paliparan sa pag-accommodate ng mga pasahero.
Siniguro ng CAAP na matatapos sa lalong madaling panahon ang pagsasaayos ng mga taxiways.
Ang ‘Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019’ ng Department of Transportation (DOTr) ay epektibo mula noong April 8 hanggang April 25.