*BIYAHE NG MGA BARKO SA SURIGAO CITY ILILIPAT SA NASIPIT, AGUSAN DEL NORTE KUNG MAGPAPATULOY ANG WELGA AYON SA PPA*
* Posibleng ilipat ang biyahe ng mga barko mula sa Surigao City Port papuntang Nasipit, Agusan del Norte kung magpapatuloy ang welga ng Surigao Dockworkers Union. Ito ang inamin ni Atty. Roldan Calejesan, ang Spokesman ng Phil Ports Authority dito sa lunsod.*
* Tinukoy nito, wala pang masyadong epekto sa kabuuan ng operasyon sa loob ng Eva Macapagal Passenger Terminal ang dalawang araw nang welga. Ang mga pasahero ang hindi pa napeperwisyo maliban na lamang sa mga kargamento na hindi nailalabas ng barko dahil walang mga dockworkers. Ngunit kung magpapatuloy,posibleng wala silang magawa kundi ilipat pansamantala ang pagdaong ng mga barko sa Nasipit Port.*
* Isang pagtitipon na naman ang nangyari sa mga opisyal ng Surigao Dockworkers Union at management ng Prudential Custom Brokerage Services Incorporated (PCBSI) ngunit wala pa ring positibong naging resulta. Diuamono’y hindi kayang maibigay ng PCBSI ang mga demands ng union lalo na’t noon pa nagbigay na sila ng dagdag na P35 sa bawat araw na sahod, hindi pa kasama ang ibang benepisyo na nasa batas.*
* Kung matatandaan, isa sa demands ng Surigao Dockworkers Union ang dagdag na P150 sa bawat araw na sahod, P1,000 electric at water allowance at 15 days sick at vacation leave. *
BIYAHE NG MGA BARKO SA SURIGAO CITY ILILIPAT SA NASIPIT, AGUSAN DEL NORTE KUNG MAGPAPATULOY ANG WELGA AYON SA PPA
Facebook Comments