Biyahe Ng Mga Bus Patungong Probinsya, Fully-Booked Na

5

MANILA – Fully-booked na ang mga biyahe ng mga bus patungo sa ilang probinsya anim na araw bago mag-pasko.Dagsa na rin ang mga mananakay sa mga bus stations, partikular sa mga patungong Bicol, at gayundin sa Visayas at MindanaoAnim na hanggang pitong libong pasahero ang dumadagsa sa terminal sa Cubao, Quezon City.Ngunit, dahil papalapit na ang pasko, inaasahang pumalo ito ng mula walo hanggang sampung libo sa mga susunod na araw.At dahil fully-booked na ang mga biyahe hanggang sa bagong taon, inaasahang madaragdag ng mga special trips ang mga bus companies.

Facebook Comments