Mahigit 16,000 Pamilya – Apektado Ng Pagbaha Sa Eastern Samar

5

EASTERN SAMAR – Apektado ang mahigit labing anim na libong pamilya ng pagbahang nararanasan sa Eastern Samar.Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, sa nasabing bilang 12,203 na pamilya o 52,674 na katao ang nananatili ngayon sa mga evacuation centersNakapagtala din ng limang bahay na nawasak dahil sa flashflood.Nakapaglaan naman na ang DSWD ng relief assistance na nagkakahalaga ng mahigit 2.1 million pesos para sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments