Aarangkada na simula ngayong araw ang biyahe ng 40 provincial Public Utility Bus (PUB) sa ilang probinsya ng Mindanao.
Ito’y alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagbubukas ng tatlong ruta sa rehiyon.
Kabilang sa mga binuksang ruta ay ang mga sumusunod:
• Cagayan de Oro City – Tacurong, Sultan Kudarat
• Davao City – Arakan, North Cotabato
• Davao City – Kidapawan City
Pero sabi ng LTFRB, tanging pinapayagan lamang na makabiyahe ang mga roadworthy Public Utility Vehicles (PUVs) na may valid at existing Certificate of Public Convenience o Application for Extension of Validity.
Dapat nakarehistro rin sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit.
Mayroong ding QR code na ibibigay ang LTFRB sa bawat operator na ipapaskil sa bawat unit ng PUV.
Bukod dito, kailangan ding sumunod ang mga pick-up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng Local Government Units.