NPA at Otoridad, Nagkaengkwentro sa Cagayan

Cauayan City, Isabela-Tumagal ng halos 10 minuto ang nangyaring palitan ng putok sa pagitan ng hindi pa matukoy na bilang ng mga miyembro ng komunistang grupo at mga awtoridad kagabi sa detachment area ng Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan.

Ayon kay PMAJ. Raymund Baggayan, hepe ng PNP Gattaran, maswerteng walang naitalang sugatan sa nangyaring engkwentro sa mga tauhan ng 2nd MFP, 2nd CPMFC at 77 Infantry Batallion na nakabase sa nasabing lugar.

Habang hindi pa matukoy kung may sugatan sa hanay ng mga miyembro ng rebeldeng grupo.


Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, mula sa timog na direksyon nagmula ang putok ng baril na direkta mula sa detachment area ng mga alagad ng batas.

Pagkaraan ng ilang minuto, agad na kumilos palayo patungo sa silangang direksyon ang mga rebelde partikular sa Sitio tanog agnawan sa nasabing barangay.

Nakatakda namang siyasatin ng mga tauhan ng SOCO ang lugar na pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments