Biyahe ng mga bus sa Metro Manila patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nananatiling manageable ayon sa LTFRB

Natapos nang mag isyu ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus pandagdag sa mga masasakyan pauwi ng iba’t ibang lalawigan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTFRB Executive Director Joel Bolano na hanggang kahapon nasa 639 na special permits na ang kanilang naipalabas para sa mga bus na biyaheng North at South areas ng bansa.

Ayon kay Bolano, batay sa kanilang monitoring at pagbabantay sa malalaking terminal tulad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), manageable naman sa ngayon ang mga bus at mga pasahero.


Umaasa si Bolano na mananatiling ganito ang sitwasyon sa mga susunod pang araw.

Facebook Comments