Biyahe ng mga eroplano, pinadadagdagan kasunod ng pinaluwag na quarantine restrictions

Umapela ang mga airline company sa pamahalaan na dagdagan ang bilang ng kanilang mga flight at mga pasahero kasunod ng pinaluwag ng quarantine restrictions sa bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, humihingi ng tulong ang mga airline company na itaas sa 5,000 kada araw ang kaniyang mga biyahe mula sa kasalukuyang 2,000.

Malaki aniyang tulong ang mga airline company para mapalakas ang international at domestic tourism sa bansa.


Gayundin sa muling pagbangon ng mga kompaniya na nalugi dahil sa pandemya.

Facebook Comments