Biyahe ng mga eroplano sa Albay, balik na sa normal

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na balik na sa normal ang commercial flight operations sa Bicol International Airport sa Albay.

Pasado alas-singko kaninang madaling araw nang unang lumapag ang flight ng CebGo sa Albay.

Habang maaga namang kinansela ng Cebu Pacific ang flight nito sa Legazpi.


Nananatili namang kanselado ang flights sa Basco Airport kung saan mahigit 100 na pasahero ang apektado.

Kinumpirma naman ng CAAP na ang Tuguegarao Airport ay handa na sa normal operations.

Gayunpaman, nananatiling kanselado ang lahat ng scheduled commercial at non-scheduled flights sa nasabing paliparan.

Facebook Comments