Biyahe ng MRT, balik na sa normal

Manila, Philippines – Balik na sa normal ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw.

Sa interview ng RMN kay MRT 3 Director for Operation Engr. Deo Manalo – sinabi nitong balik na din sa 40 kilometers per hour ang bilis ng andar ng mga tren.

Kahapon matinding perwisyo ang idinulot nito sa mga pasahero makaraang ipatupad ang mas mabagal na andar ng mga tren na 20 kilometers per hour at binawasan din ang bilang ng mga byahe.


Isinailalim kasi sa inspeksyon ang ilang tren matapos makitaan ng sira sa “axle” o ang bakal na nagdudugtong sa mga gulong ng bagon.

Nasa labing anim na tren mula sa dalawampu ang unang bumiyahe sa pagbubukas ng MRT kaninang alas 4:30 ng madaling araw.

*

Facebook Comments