Biyahe ng pampublikong transportasyon mula Bicol patungong Visayas at Mindanao, pinasususpinde na ng LTFRB dahil sa bagyong Ulysses

Ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsuspinde sa biyahe ng mga Public Utility Vehicle (PUV) mula Bicol Region papuntang Visayas at Mindanao.

Ang hakbang ng LTFRB ay alinsunod sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense sa Region 5 bilang paghahanda sa inaasahang pag-landfall ni tropical depression Ulysses.

Pinapayuhan ng LTFRB ang publiko na maghanda sa pananalasa at mga posibleng epekto ng Bagyong Ulysses.


Nakikiusap ang ahensya na iwasan ang pagbiyahe tuwing may kalamidad.

Hiling din ng LTFRB sa mga PUV operator na tulungan ang kanilang mga pasahero lalo na sa mga magiging stranded sa mga terminal at pantalan.

Facebook Comments