Biyahe ng Pasig Ferry, suspendido ngayong araw

112

Manila, Philippines – Walang biyahe ang Pasig Ferry ngayong araw ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, sarado muna ang lahat ng istasyon ng Pasig Ferry ngayong Lunes, June 26 dahil sa maraming water hyacinth at mga basurang naglutangan sa ilog.

Sinabi ng MMDA na mahihirapan ang ferry na bumiyahe sa ganitong sitwasyon.


Magpapalabas na lamang ng abiso ang MMDA kung kailan muling magre-resume ng biyahe ang Pasig Ferry.

Facebook Comments