Judy Ann Santos, ibinahagi ang sikreto nila ng mister na si Ryan Agoncillo sa pagba-budget

327

Showbiz – Ibinahagi ngayon ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanilang sikreto sa pagba-budget kasama ang asawang si Ryan Agoncillo.

Ayon kay Juday, hindi sila nagku-kumpara nang kani-kanilang kinikita kung saan hindi din siya nagtatanong kung magkano ang hawak na pera ng mister basta’t ang sigurado lang daw ay may panggastos sila hindi lang sa pang-araw-araw kundi maging sa ibang bagay.

Dagdag pa aktres, ayaw daw niya na pigilan kung anumang nais ng kaniyang asawa partikular sa mga nais nito bilhin kaya’t ganun din si Ryan para sa kaniya.


Very thankful din si Juday dahil sa simula pa lamang ay todo-suporta sa kaniya ang asawa at never daw nitong kinalilimutan ang kaniyang responsibilidad lalo na sa kanilang pamilya.

Facebook Comments