Biyahe ng provincial public utility buses sa ilalim ng Alert Level 1, inihahanda na ng LTFRB

Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling makapag-operate sa ilalim ng Alert Level 1 ang provincial public utility buses.

Ito ang nilinaw ng LTFRB alinsunod sa Memorandum Circular No. 2022 – 023 o ang Resumption of Operations of Provincial Public Utility Buses on Inter-regional Routes sa panahon ng community quarantine.

Ayon sa LTFRB, maaari na silang makapagbiyahe basta’t may valid at umiiral na Certificate of Public Convenience, Provisional Authority at Special Permits.


Samantala, ang mga rutang inter-regional touching at not touching Metro Manila, kasama ang mga ruta ng provincial commuter na nagmumula sa CALABARZON na dating may Cubao endpoint ay muling papayagang makabalik sa orihinal nitong terminal sa Araneta Bus Terminal, Cubao via C5.

Pero nilinaw ng LTFRB na ang pinapayagang bumalik sa Araneta Bus Terminal ay mga dating provincial commuter routes o may pre-COVID routes na ang endpoint ay sa nabanggit na terminal.

Ang mga provincial commuter route naman na may pre-COVID endpoint sa Buendia, Makati, Pasay at Manila ay mananatili pa rin ang endpoint sa PITX, kabilang ang mga nagmumula sa South Luzon kahit na ito ay may pre-COVID na prangkisa na may endpoint sa Cubao.

Facebook Comments