Ilang lugar sa Metro Manila at Rizal, mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ayon sa Manila Water

Inihayag ng pamunuan ng Manila Water na makakaranas ng kawalan ng suplay ng malinis na tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan ng Rizal ngayong araw.

Sa abiso ng Manila Water, magsasagawa ito ng maintenance activities sa bahagi ng Mandaluyong City, Pasig City, Taguig City, Quezon City, Angono at Taytay sa Rizal.

Sa Quezon City, apektado ang P. Burgos, C. Aguinaldo at H. Unrubia St., sa Barangay Marilag, Egea St. Corner E. Rodriguez Avenue, sa Barangay Paligsahan ay sa Block 5 at 7, at Kaingin 1 sa Barangay Pansol.


Pinapayuhan ang mga residente na mag imbak ng sapat na tubig na magagamit sa kanilang bahay.

Facebook Comments