Tuloy na ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia sa Mayo a-bente singko.
Layon nitong higit na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Russia.
Kasama ng Pangulo sa nasabing biyahe ang ilang opisyal ng militar.
Unang nagkita sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin sa Peru sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit noong Nobyembre.
Sa naturang pagkikita, pormal siyang inimbitahan ni Putin na bumisita sa Russia.
Sinabi rin ng Pangulong Duterte na tiniyak sa kanya ni Putin na handang magsuplay ng mga makabagong armas ang Russia para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas lalo na’t mahigpit ang paglaban nito sa terorismo.
Facebook Comments