Manila, Philippines – Pormal nang ipinaabot ng Palasyo sa pamahalaan ng Japan ang pagkansela ng biyahe ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing balita ay lumabas sa news agency sa Japan na Nikkei.
Una na kasing naka-schedule ang pagpunta ni Pagulong Duterte sa Tokyo, Japan sa June 5 hanggang June 6.
Nakatakda sanang magtalumpati ang presidente sa 23rd International Conference on the Future of Asia.
Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, mas gugustuhin ng pangulo na manatili na lamang sa pilipinas kaysa magbiyahe sa ibang bansa.
Aniya, marami kasing problemang kinakaharap ang pangulo kaya mas mabuting pag-ukulan ito ng atensyon.
DZXL558
Facebook Comments