Nagdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi tumuloy sa biyahe sa Dubai United Arab Emirates para dumalo sa Conference of the Parties o COP 28.
Ito ang inihayag mismo ng pangulo dahil sa mahalagang development sa sitwasyon ng
17 mga Filipino sea farers na bihag ng Yemen Houthi rebels sa Red Sea.
Aniya, ngayong araw ay kailangan niyang pulungin at pangunahan ang pagpapadala ng mga high-level delegation sa Tehran, Iran, para makapagbigay ng kailangang tulong sa seafarers.
Ipinauubaya naman ng pangulo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga ang pangunguna sa COP28 delegation sa Dubai.
Facebook Comments