Biyahenihan ng RMN, aarangkada na

51

Aarangkada na ngayong umaga ang dalawang araw na RMN Biyahenihan katuwang ang Seaoil sa Cubao, Quezon City.

Magsisimula ang ruta ng RMN Biyahenihan mula West Point Cubao Terminal patungong Welcome Rotanda kung saan libre ang lahat ng mga pasaherong sasakay sa jeep na may tarpaulin ng RMN Biyahenihan.

Makatatanggap ng cash price ang lahat ng mga pasaherong makakaupo sa may sticker na RMN Biyahenihan na ilalagay sa mga upuan ng jeep.


Inaanyayahan ang publiko na abangan ang mga jeep na dadaan sa kanilang lugar na may tarpaulin sa gilid na RMN Biyahenihan upang makasakay ng libre at manalo ng papremyo ng cash price ang mga pasaherong maswerting makaupo na may sticker na RMN Biyahenihan.

Facebook Comments