WALONG BAYAN SA REHIYON UNO, MALAYA SA TOXIC RED TIDES

Base sa pinakahuling inilabas na abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 malaya pa rin sa nakakalasong red tide ang walong bayan sa rehiyon uno.
Sa shellfish bulletin no. 23 ng ahensya, malaya sa red tide ang lahat ng klase ng shellfish maging acetes o ang mga maliliit na hipon o alamang na nakukuha sa coastal wasters ng bayan ng Bolinao, nda, Alaminos City, Sual at Bani sa Pangasinan at ang mga mariculture areas ng Rosario at Sto. Tomas sa La Union.
Sa abisong ito, maaari umanong bilhin ang lahat ng klase ng shellfish na mabibili sa mga nabanggit na bayan.

Paalala naman ng mga ahensya na agad na ipaalam sa kanilang opisina sakaling makaranas ng kakaiba sa mga biniling pagkaing lamang tubig upang agad na masuri ito. |ifmnews
Facebook Comments