Manila, Philippines – Amainado si Bureau of Jail Management and Penology acting chief jail Chief Supt. Deogracias Tapayan na hindi mawawala na may ilang tiwali sa kanilang hanay.
Ayon kay Tapayan, may sabwatang nagaganap sa loob ng bilangguan kung kayat nakakalusot ang illegal drugs at ibang kontrabando tulad ng cellphone at laptop.
Gayunman hindi aniya nila ito pinalalampas katunayan sa mga isinagawa nilang greyhound operation kung saan may natagpuang ilang droga at ibat ibang paraphernalia.
Agad nilang isinailalim sa masusing imbestigasyon ang ilang official at may 17 na silang sinibak at kinasuhan ng administrative at criminal.
Patuloy din ang isinasagawa nilang paglilipat sa ibang lugar ng kanilang mga tauhan upang maiwasan ang pagiging malapit o pakikipagmabutihan ng mga jail officer sa mga preso.
Kanila ring isinasailalim sa randum drug test ang mga jail officer and personnel.
Samantala nilinaw ng opisyal na kung may nakukumpiskang drugs sa mga piitan yun ay pang personal lamang at walang nagbebenta o nakakapagtransaksiyon ng iligal na droga gaya sa Bureau of Corrections na talamak ang bentahan.