BJMP Cauayan City, Nakiisa sa Brigada Eskwela!

21

*Cauayan City, Isabela- *Nakiisa ang tanggapan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Jail Chief Inspector Atty. Romeo Villante, ang pinuno ng BJMP Cauayan, lumahok ang mga ito sa unang araw ng B rigada Eskwela sa Lungsod bilang bahagi ng kanilang pagtulong sa paglilinis sa mga paaralan upang maihanda ang mga classrooms bago sumapit ang araw ng pasukan ng mga mag aaral.


Tumulong din sa pagkukumpuni sa mga sirang gamit ang mga miyembro ng BJMP sa Bautista Elementary School at sa Cauayan City National High School annex.

Matatandaang ikinisa ang Kick-off ceremony ng Brigada Eskwela 2019 noong Mayo 17, 2019 sa Villa Flor Elementary School, Brgy. Villa Flor, Cauayan City, Isabela na pinangunahan ng Department of Education (DepED) School’s Division Office ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers