BJMP CAUAYAN, NAGSAGAWA NG INFORMATION DRIVE

Cauayan City – Nagsagawa ng Information Drive ang mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology Cauayan City.

Ang aktibidad na isinagawa ay Penology Information Drive and Drug Awareness Campaign kung saan ito ay bilang parte ng selebrasyon sa ika-labintatlong Community Relations Service Month ng BJMP na may temang “Nagkakaisang Kawanihan at Pamayanan Tungo sa Bagong Pilipinas”.

Bukod pa rito, ipinagdiriwang rin ng ahensya ang International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking o IDADAIT.


Nakilahok sa aktibidad ang siyamnapu’t-dalawang mga Criminology Students sa Isabela State University Cauayan Campus.

Layunin ng aktibidad na ito na maipalaganap pa sa publiko ang kaalaman patungkol sa panganib na maaaring maidulot ng paggamit ng ilegal na droga.

Facebook Comments