Thursday, April 23, 2026

Utang ng Pilipinas, umakyat pa sa P18.16 trillion nitong Pebrero — Bureau of Treasury

Patuloy na lumolobo ang utang ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Treasury, pumalo sa P18.16 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas hanggang nitong katapusan ng February.

Mas mataas ito ng mahigit P25 billion kumpara noong Enero.

Sa kabila nito, nananatili aniyang matatag at maayos ang pamamahala ng utang lalo na ngayong pabago-bago ang lagay ng pandaigdigang ekonomiya.

Nasa P12.48 trillion ang domestic debt o utang panloob na bunga ng mas maraming government securities para pondohan ang mga proyekto ng pamahalaan.

Habang bumaba naman daw ang utang panlabas o external debt sa P5.68 trillion na epekto ng paggalaw ng halaga ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments