BJMP, hindi kukunsintihin ang Jail officer na pumatay ng tricycle driver sa Lucena

Hindi kukunsintihin ng  Bureau of Jail Management and Penology  kanilang tauhan na pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay sa tricycle driver na kanyang nakaaway sa Lucena City.

 

Ayon kay  Jail Chief Superintendent Allan Iral, ang bagong officer in charge ng BJMP , ipinauubaya na niya kay CALABARZON Regional Director Csupt Efren Nemenio ang paghawak sa kinasasangkutang kaso ni SJ02 Roderick Chavez na nakatalaga sa san juan batangas municipal jail.

 

Una nang pinagbabaril ni SJ02 Chavez ang nakaalitang tricycle driver na si Edgardo Flores na nakuhanan pa ng video mula sa cctv camera.


 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Lucena PNP na simpleng alitan sa pagtatapon ng basura mula sa pinaglinisan ng isda ang dahilan ng pamamaril ng jail officer.

 

Nasa  kustodiya na ng pulisya ang 9mm pistol service firearm ni Chavez pero patuloy pa rin itong nagtatago.

 

Giit ng BJMP, kailangang harapin ni Chavez ang kanyang kaso at magpaliwanag ng kanyang panig para mabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ng tricycle driver.

Facebook Comments